Get me outta here!

Sabado, Abril 12, 2014

Tips para sa unang pasok sa kolehiyo

At dahil nalagpasan ko na ang aking unang taon sa kolehiyo, andito ako para mag magaling na mag bigay daw ng tips. haha

Nais kong ibahagi ang aking mga tips sainyo, upang hindi na kayo matulad sakin na tatanga-tanga noong pasukan.

Narito ang aking mga tips para sa mga mag kokolehiyo palang.

1. Mag-ayos na kayo ng gamit kinagabihan bago ang inyong araw ng pasukan. Naku im sure yung mga excited diyan na mag college baka isang linggo pa bago mag pasukan eh nakaayos na ang gamit.

2. Mag-isip na kayo ng inyong speech para sa pag papakilala. LAHAT ng inyong subject ay mag papakilala kayo, depende lang kung absent ang prof niyo. Mas maganda kung english para ma-amaze mga blockmates mo. haha Huwag mo lang ipahalata na scripted ang speech mo, kunwari nag iisip ka naman like "ahm chuchuchuchu, ahm chuchuchuchu chuchuchuchu". hahaha :D Malaki ang papel ng salitang "AHM" diyan.

3. Siguraduhing mayroon kayong yellow paper at note book. Iwanan na ang intermediate paper niyo nung hayskul di yan kailangan sa college. Bumili lang ng 2 o tatlong notebook, hatihatiin mo nalang per subject, minsan may subject na di mo na kailangang mag sulat sa notebook kasi may libro naman na kayo or puro photocopy ng handouts. Hindi din kailangan ng bonggang notebook sa college, naku kahit nga yung nagamit ng notebook pwede na, papasok tayo sa college para matuto at mag-aral hindi para magkipag sosyalan.

4. Gumupit na ng 1/4 at 1/2 crosswise na yellow paper, kelangan yan sa pag sulat ng name, address, age, etc. Iwas hingi muna kahit sa 1st day lang.

5. Agahang gumising para hindi ka malate sa 1st subject mo. Huwag kang aabsent sa 1st day of class kasi idi-discuss ng mga prof niyo ang inyong mga requirements at grading system. Tandaan: mag kakaiba ng paraan ng ma prof sa pag bibigay ng grades.

6. Huwag kang maniwala sa ibang mga terror prof na nag babagsak sila, arte lang nila yun. syempre mababagsak ka talaga kung di ka nag aral ng mabuti, alangan naman ibagsak ka nila ng walang dahilan.

7. Tumabi sa pogi at maganda mong block mate, makipag friend ka kasi kadalasan na kung sino ang unang mong kinausap siya/sila ang magiging kasama mo for the whole year.

8. Iwasang maging maingay at malandi sa unang araw, iwan mo muna ang kalandiaan mo, tsaka mo na ilabas ang kalandian mo pag magkakakilala na kayong mabuti. Sa ngayon demure muna ang peg mo. Pasimpleng landi move muna ang gawin mo.

9. Hindi lang dapat sa type mo ikaw tumabi, tumabi ka rin sa matalino. Ang pag aaral ang pinto sa mabuting kinabukasan at ang susi ay ang iyong katabi. hahaha! Be friendly pero wag naman yung super OA na Feeling Close agad, yung tipong kunwari di mo narinig yung sinabi ng prof niyo tapos ipapaulit mo lang sa katabi mo. Hindi yung "Hi, can i get your number? I need new friends eh, tara tambay tayo sa hall way ang daming gwapo!" Yung totoo? Ano to mag boboy hunting lang ang peg? hahaha

10. Kung mag papakilala ka dapat may confidence ka, hindi yung nakayuko, nakatingala, swing-swing your body, nanginginig ang boses at napakahina nang boses. Dapat stand straight, smile, look at your blockmates, at dapat may confidence ka.

11. Piliin ang mga taong sasamahan, kung gusto mong sumama sa mga sosyal GO! pero mauubos pera mo kakashopping at kakakain sa mga sossy restaurant. Kung gusto mo naman sa mga taong Lakwatsera, GO! yun nga lang kung saan saan kayo nakakarating yung di pa dederetso sa bahay pa uwian, yung tipong bibili ng ball pen eh pupunta pa ng Mall. Papayat ka kung ito mga kasama mo, kasi puro lakad lang kayo. hahaha marami pang uri ng mga kaibigan, kayo na  bahala kung saan ka sasama.

12. Isaisip na mag kaiba ang High School at College, kung hindi ka pa naka move on edi huwag ka muna mag college. Lagi mong isipin na makakaya mo, nakaya nga nang iba, ikaw pa kaya. Sa college okay ng pasado, kung di ka kagalingan huwag ka ng mag hangad ng mataas na iskor, ang mahalaga pasado ka. hahaha :D
\
Ayan sana nakatulong ako. Sa mga mag cocollege palang may 2 months pa kayo para mag handa sa inyong bagong yugto ng inyong buhay. Good luck sainyo! :)